Alex Gonzaga, may buwelta sa bashers

August 13, 2022

Inalmahan ng TV host at vlogger na si Alex Gonzaga ang ilang mga netizens na hindi siya gusto at patuloy na bumabash sa kanya.

Sa kanyang Twitter account, sinabi ng aktres na ayos lang sa kanyan kung hindi siya gusto ng ibang tao.

“Some people won’t like you but that’s okay as long as you still like yourself and the person you can be,” saad ni Alex sa kanyang tweet.

Kasalukuyang trending at usap-usapan ngayon ang isa sa mga hosts ng “Lunch Out Loud” matapos siyang i-call out ng kanilang guest co-host na si Matteo Guidicelli.

Malinaw naman na nagbibiruan ang dalawa ngunit marami sa mga netizens ang sumang-ayon sa asawa ni Sarah nang pabiro nitong pagsabihan si Alex.

Payo kasi ni Matteo, dapat raw ay tigilan na nito ang pagbibiro at pag-uungkat ng nakaraan biglang pagrespeto na rin sa kanilang mga asawa.

Marami sa mga netizens ang um-agree sa asawa ni Sarah at pinagsabuhan rin si Alex at sinabing hindi lahat ay dapat gawing biro.

May mga nag-ungkat rin sa nangyaring miscarriage ng kapatid ni Toni at ikinumpara ito sa ginagawa niya ngayon.

May mga netizens rin naman na nagtanggol sa kanya.

Wala pa namang pahayag si Alex ukol sa isyung kinasasangkutan at hanggang ngayon ay tikom pa rin ang bibig sa nangyayari.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial