Kylie Padilla, nag-enjoy sa breastfeeding

August 12, 2022

Inilahad ng aktres na si Kylie Padilla na ang isa pala sa naging rason kung bakit siya natagalang makabalik sa showbiz matapos niyang manganak ay ang pagnanais niyang lumaki ang kanyang mga supling sa breastfeeding.

Ayon kay Kylie, gusto niyang maranasan ang pagbreastfeed sa kanyang mga anak na sina Alas at Axl.

“I remember part of why I delayed going back to work right away was because I wanted to breastfeed my kids directly,” saad ng aktres sa isang caption sa kanyang IG at dagdag niya, ayaw rin talaga niya ang pumping.

“For me, the intimacy and connection I built with my kids through breastfeeding was so hard to give up kahit sobrang hirap to be available anytime and all the time,” saad ni Kylie.“I had no control over my body but the eye contact, the skin to skin and the slowly watching my kids fall asleep and feeling their heartbeat slow is the closest physical feeling of love I’ve ever experienced.”

At ngayon ngang binabalikan niya ang mga memories noong nagpapa-breastfeed pa siya, masaya siya na ginawa niya ito.

“Now when I look back on it I’m happy I did it. Both boys I was able to breastfeed for over a year. It’s still one of my favourite parts of motherhood. Would do it all over again in a heartbeat,” saad ni Kylie.

Nag-share si Kylie ng kanyang experience sa kanyang motherhood bilang pag-celebrate ng buwan ng breastfeeding.

Marami naman sa mga netizens ang relate na relate sa aktres dahil pinagdaanan rin nila ang breastfeeding sa kanilang mga anak.

“Yes, proud breastfeeding mother here! Lahat sila breastfeeding. That was the best experience of motherhood,” comment ng isang netizen.

Saad naman ng isa, “You’re such a brave woman. You are loved. You deserve all the happiness.”


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial