Chie Filomeno, ayaw ng showbiz BF

August 12, 2022

Inihayag ng aktres at dating “Pinoy Big Brother Season 2” celebrity housemate na si Chie Filomeno na kung sakaling magkakaroon siyang muli ng karelasyon ay ayaw na niya na mula sa showbiz ang kanyang magiging boyfriend.

Single ngayon ang aktres pero kahit ganun ang kanyang pananaw, sinabi niya na hindi rin naman matuturuan ang puso sa kung sino ang mamahalin nito.

“Sinabi ko na yan dati, non-showbiz ang gusto ko. And first na naging boyfriend ko showbiz tapos sabi ko ayoko na ng showbiz. Wala eh, hindi mo talaga matuturuan yung heart mo. As much as possible gusto non-showbiz para meron pa akong ibang matutunan. Kung kanino ako mapo-fall in love, feeling ko marami akong matututunan din,” saad ni Chie.

Si Chie ay isa sa mga bida ngayon sa iWantTFC series na “Beach Bros” at ayon sa dalaga, relate siya sa karakter na ginagampanan niya sa series.

“ANG gusto ko sa kanya palaban siyang babae at gagawin niya ang lahat para sa taong mahal niya. Very different ito kasi ito yung isa sa pinakaunang biggest role na binigay sa akin. Sobrang ibang iba naman siya sa Love in 40 Days. Si Nicole lumaki siya sa bahay ampunan and very interesting yung life niya. May mga tao talagang hindi nabibigyan ng choice. Hindi tayo nabibigyan ng choice. Yun yung masakit na part sa kanya,” sabi ni Chie.

“Ang gusto ko sa kanya palaban siyang babae at gagawin niya ang lahat para sa taong mahal niya. Yun yung pinaka gusto ko kay Nicole. Yung wala kang choice nu’ng una pero gagawin mo pa rin yung kaya mong gawin para mabigyan ng marangyang buhay ang kapatid mo at ang family mo, mga kaibigan mo,” dagdag pa niya.

Nagpapasalamat din siya sa “PBB” dahil sa daming life lessons na natutunan niya bilang housemate ni Big Brother, “Nabago talaga ng PBB yung buhay ko. Nabigyan ako ng opportunity na thankful ako and yung feeling na overwhelmed.

“Yun talaga yung feeling na nararamdaman ko kasi binigyan ako ng ganung kalaking trust. Especially now with Beach Bros. Lahat ng project ko with Dreamscape Entertainment. I’m really grateful for them and thank you for the trust yun yung nag-uumapaw and I’m grateful,” sabi ng dalaga.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial