Roxanne Barcelo, magma-migrate na

August 11, 2022

Inamin ng aktres at singer na si Roxanne Barcelo na tuluyan na niyang iiwan ang kanyang buhay dito sa Pilipinas upang manirahan na sa ibang bansa kasama ang kanyang asawa at anak.

Ayon kay Roxanne, lilipad na siya patungong Taiwan para magsimula ng bagong buhay with her husband Jiggs and son Cinco na kanyang isiniwalat sa kanyang bagong vlog.

“Magma-migrate na kami…we’re going to Taiwan,” saad ni Roxanne sa kanyang vlog at dagdag niya, habang nag-iimpake ng mga gamit nila ng asawa pati na ni Baby Cinco, “I’ve never lived anywhere for the past 23 years apart from Manila and the U.S.”

“Excited na ako actually kasi masarap ang food at maganda ang kabuuan ng Taiwan. I’m excited for a new chapter, hindi pa nag-si-sink in,” sabi pa ng aktres.

Hindi naman nabanggit ng singer-actress kung ano ang dahilan ng pagma-migrate ng kanilang pamilya sa Taiwan pero mukhang balak niyang doon ituloy ang kanyang singing career at pagiging vlogger.

“Baka may pa-kanta ako doon, we’ll see. Sana matuloy at sana matupad. If not, food vlogger, char. Gagawin ko talaga yun kasi masarap ang food sa Taiwan and maganda ang fashion. Explore natin lahat,” sabi ni Roxanne.

“Siyempre, ma-mimiss ko mother ko and brother ko na nasa U.S. even my friends here…I tried na makipag-meet sa kanila as much as possible pero super gahol sa time,” dagdag niya.

Samantala, sa isang bahagi ng vlog, sinabi naman ni Roxanne na baka raw every three months ay babalik siya sa bansa kaya huwag daw masyadong mag-alala ang kanyang mga supporters.

“We’re just an hour and a half hour flight away and, actually, every three months nandito kami. Hindi niyo ako masyado mami-miss. Sama kayo sa journey namin to Taiwan,” sabi pa ni Roxanne.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial