Maris Racal, simple lang sa buhay

August 11, 2022

Maraming mga netizens ang talagang natutuwa sa aktres at singer na si Maris Racal dahil sa simpleng pamumuhay nito at sa kanyang bagong vlog ay talagang ipinakita niya ang kanyang OOTD na ayon sa dalaga ay nabili niya sa ukay-ukay.

Sa kanyang IG, makikitang suot ng dalaga ang isang while little dress na ayon sa kanya ay binili niya sa ukay-ukay sa Pilipinas.

“My ukay ukay dress made it to nyc,” caption ni Maris sa kanyang photo habang nasa New York.

Marami ang natuwa at halos hindi makapaniwala na magsusuot si Maris ng second-hand dress. Imagine, nakarating pa sa New York ang kanyang ukay-ukay na outfit.

With that, ang daming nag-comment ng positive sa post na iyon ni Maris sa kanyang Instagram account.

“Love your fashion sense, girl! A proof that fashion doesn’t only have to be expensive stuff.”

“True. Nasa pagdala lang yan at nagsusuot. Aanhin mo yong expensive kung di naman bagay sayo diba?”

“Grabe naman this girl so beautiful, talented and sexy.”

“Ganda Ng ukay dress mo ghorl.”

“Wow bet mo rin ukay2 ganda!”

“HM (how much) nyo po nabili yang dress sa ukay ukay?”


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial