Christine Bermas, may ayaw gawin

August 11, 2022

Matapos ang success na tinamasa ng Scorpio Nights 3, may panibagong pelikula na naman ang sexy actress na si Christine Bermas na umani ng papuri sa kanyang performace sa pelikula kung saan ipinakita na niya ang lahat.

Kasabay ng paghuhubo’t hubad ng dalaga sa nasabing pelikula, naipakita rin naman niya na hindi lang paghuhubad at pakikipagchurvahan sa harap ng camera ang alam niyang gawin.

Sa ngayon, nakalinya na ang kanyang follow-up movie na “Lampas Langit” kasama sina Baron Geisler, Ricky Davao, Chloe Jenna, Ivan Padilla, Milana Ikemoto at Quinn Carrillo, sa direksyon ng singer-actor na si Jeffrey Hidalgo.

“Yes, they say itinodo ko na raw sa ‘Scorpio’, so ano pa ang bagong puede kong ipakita in ‘Lampas Langit’? To be honest nahirapan talaga akong bitawan ang character ko sa ‘Scorpio’ as Pinay. Buti nga at iba naman itong ‘Lampas Langit’, less ang love scenes, more on acting siya at hindi basta sex lang. Iba naman kasi ang genre ng ‘Lampas Langit,’” sabi ng dalaga.

“It’s a romantic thriller. Kakabahan ka rito habang nanonood dahil sa mga plot twist. My character is not as wild as ‘Scorpio’ but it’s more challenging for me kasi manipulator ako rito. I play Belle, na akala nila sa simula, anak ako ni Ricky Davao. Then I have an affair with our neighbor, si Baron Geisler, who’s married to Chloe Jenna. Manipulative ako rito and I want to control the people around me. It’s new for me and not like any of the past characters I’ve done before,” paliwanag pa niya.

“Ang pinakaiba rito, may girl to girl sex scene ako with my co-star, si Chloe Jenna. I haven’t done such a scene before. May offers dati pero hindi ko tinatanggap kasi parang mas mahirap gawin yun.”

“I told Direk (Jeffrey) hindi ako talaga gumagawa noon. Kasi parang nakikita yung nanay ko na kagagalitan ako. Sabi ko, baka hindi ko kayang gawin. But he said it’s another challenge for me and kailangan talaga sa story. And since first time din ni Chloe, I said, sige i-try natin,” saad pa ni Christine.

Inamin naman niya na medyo awkward nu’ng unang kunan ang nasabing eksena, “Pareho kasi kami, first time namin to do a girl to girl scene. At hindi kami prepared, so tawa kami nang tawa sa shoot.
“We just took it as a new experience for both of us and I think naging successful naman yung eksena,” sabi pa ng sexy star.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial