Barbie Imperial, namahagi ng blessing

August 11, 2022

Kamakailan lamang ay namigay ang aktres na si Barbie Imperial ng pagkain sa mga food delivery riders kung saan sinorpresa niya ang ilang mga food riders sa pamamagitan ng pag-order ng food and then ibinigay niya ito sa kanila.

“Today ang naisipan naming gawin ng aking team ay mag-give back naman sa mga tao. Siyempre ang daming blessings na dumadating sa akin, ang daming projects. Ang daming blessings so maggi-give back tayo sa mga riders,” saad ni Barbie sa short video niya sa social media.

Ayon sa dalaga, naisip niyang bigyan ng pagpapahalaga ang delivery food riders dahil sa nakabibilib na dedikasyon ng mga ito sa kanilang trabaho kahit pa nga maulan.

“Magsu-surprise tayo ng riders, naisip ko lang kasi sobrang lakas ng ulan ngayon, minsan sobrang init. Parang ‘yung mga riders natin, parang palagi silang nandiyan, 24/7 grabe ‘yung serbisyo nila para sa atin, para sa mga deliveries, mga pagkain. So what I’m gonna do, mag-o-order ako ng mga food sa app ng riders and hindi nila alam na ‘yung pagkain na ‘yun ay para sa kanila,” sabi ng dalaga.

May isang food delivery rider na teary-eyed matapos ibigay ni Barbie ang in-order nitong food.

Siyempre, maraming natuwa sa ginawang pag-share ng blessings ni Barbie.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial