Janella Salvador, hindi nagpakabog

August 10, 2022

Sa grand launch para sa media ng “Mars Ravelo’s Darna”, may pasabog na dala ang aktres na si Janella Salvador.

Kasi naman, talagang may dalang ahas ang dalaga sa naturang mediacon at talagang nagulat ang lahat habang ang ilan naman ay napasigaw dahil sa nakapulupot at gumagalaw na ahas sa braso ng aktres at celebrity mom bilang bahagi nga ng kanyang OOTD as Valentina, ang babaeng ahas na mortal na kalaban ni Darna.

Kahit nga ang nagsilbing host sa red carpet media launch ng bagong ABS-CBN series na si Eric John Salut ay napatili nang rumampa na si Janella with an all-black, figure-hugging outfit, channeling her serpent-haired character Valentina.

Habang pinipiktyuran ng mga reporters at vloggers, nilaru-laro at hinaplos-haplos pa ni Janella ang ahas at nagkunwaring hahalikan pa ito sabay halakhak ala-Valentina.

Nang nasa stage na ang aktres, sinabi niyang pinauwi na niya ang kanyang pet snake kaya kumalma na ang mga colleague at kaibigan natin sa press na takot na takot sa mga ahas.

Ayon kay Janella, grabe rin ang “pressure” na nararamdaman niya sa pagganap bilang Valentina lalo pa’t halos lahat ng nag-portray ng nasabing role ay nagmarka sa manonood tulad nina Celia Rodriguez, Pilar Pilapil, Pilita Corrales at Alessandra de Rossi.

“We all know how iconic the role of Valentina is. Knowing that the previous Valentinas were all so amazing and the character became iconic because of the way they portrayed it, of course I want to make it my own. At the same time, gusto ko tumatak siya. Nandoon ‘yung pressure,” pahayag ng aktres.

Sa bagong version ng “Darna” na pagbibidahan ni Jane de Leon na siyang naatasang mangalaga sa mahiwagang bato ng Pinay superhero, gagampanan din ni Janella ang human alter ego ni Valentina na si Regina.

“Aside from the fact that it’s physically draining, it’s actually a very complex character. It’s quite difficult to act as her. It’s emotionally draining as well,” sabi ni Janella.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial