Jane de Leon, galing sa hirap

August 10, 2022

Hindi ikinaila ng aktres at lead ng bagong version ng Darna TV series na si Jane de Leon na talagang dumaan din sa matinding hirap at pagsubok ang kanilang pamilya.

“If may kakayahan kang tumulong, tumulong, mapalaki o maliit na bagay, malaking bagay na po ’yan para sa mga taong nangangailangan,” sabi ng dalaga. “Hindi naman po natin ipagdadamot ’yun laluna kung may mga pinagdadaanan tayo kung anuman ’yung mga natutunan natin sa buhay magsilbi tayong inspirasyon para sa lahat.”

Sinabi pa ni Jane na itinuturing niyang tunay na Darna sa buhay niya ang kanyang mga magulang na talagang sumuporta sa kanya nang bonggang-bongga mula nang pasukin niya ang showbiz.

“Simula po nu’ng una hindi naman po kami ganoon kayaman at lumaki po ako sa hirap at nakita ko po ’yung sakripisyo ng mga magulang ko kung paano nila pinalaki ng mga magulang nila. Minsan nga ’yung P100 pinagkakasya namin nina Mama. Bina-budget talaga niya kung paano namin gagastusin yun. Kaya po kung wala po si Mama, wala rin po ako dito ngayon,” sabi ni Jane.

Nakatakda nang lumipad ang bagong TV version ng “Darna” sa August 15 sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, TV5 at iWantTFC.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial