Heaven Peralejo, ingat sa lovelife

August 10, 2022

Matapos ang ilang beses na pagiging “sawi” sa pag-ibig at pakikipagrelasyon, aminado ang young actress na si Heaven Peralejo na binabantayan na niya ngayon ang kanyang puso at focus muna siya sa pagtatrabaho at sa iba pang productive na bagay kesa sa kanyang lovelife.

Nitong nakaraan lamang ay kagagaling lang niya sa isang “holistic retreat” para raw makapag-recharge.

“August so far has been so good, full of blessings. Sabi nga nila when it rains, it pours. Ngayon nasa holistic retreat ako just to regain my strength,” saad ni Heaven sa isang mediacon.

Dagdag pa ng dalaga, marami siyang realizations nang gawin niya ang nasabing episode sa naturang drama anthology.

“What I realized is, na may ganu’ng klaseng pagmamahal talaga. I’m a hopeless romantic but I’ve been hurt a lot of times so medyo guarded na ang puso ko. But watching this story and watching their love and seeing kahit pala ibigay sa’yo ni Lord lahat ng sakit and lahat ng problems sa buhay, pero if you’re with the right person, tutulungan ka niyang mahalin kung ano ang nangyayari sa buhay mo ngayon and hindi ka niya iiwan sa ere. So I realized na I deserve a much better love because of MMK and I really wish to find that love,” sabi ni Heaven.

Naranasan na rin niya umano ang magkaroon ng online relationship.

“May times yes siguro nu’ng pandemic. So I met this person once and then nagkaroon ng lockdown and of course wala na kaming magawa kundi magpalitan na lang ng message. Pero nu’ng bumalik na sa reality and everything, du’n mo mari-realize na pagdating ba sa reality is it still the same? Yung pagmamahalan niyo ba du’n sa online world, kakayanin ba ng reality?” saad ni Heaven.

Sabi pa ng aktres, mas gusto pa rin niya ang tradisyunal na panliligaw pero naniniwala rin siya na posible pa ring mag-work ang online relationships.

“I do believe that you can. Halfway ligaw sa online, get to know each other, pero if mag-de-date kayo outside kailangan may akyat bahay muna. Akyat-ligaw muna. Kasi online is normal na sa generation so I do believe that you can find love online. I still prefer the traditional way. I’ve been raised like that so ever since na nagsimula ako makipag-date, lahat ng makikipag-date sa akin ay aakyat muna ng ligaw.

Ang meaning kasi ng pag-aakyat ng ligaw, it’s not just gifts and ganu’n lang. It’s more of your family getting to know the person you’re dating,” sabi ng dalaga.

“Ang pamilya ko kasi traditional so ang gusto nila nasa tamang kamay lang ako kung lalabas ako with a person na may gusto, yung ganu’n,” dagdag niya.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial