Janine Gutierrez, natorpe kay Lovi

August 9, 2022

Inihayag ng aktres na si Janine Gutierrez na talagang “natorpe” siya kay Lovi Poe noong nasa shooting sila ng bagong iWantTFC lesbian o Girls Love series na “Sleep With Me.”

Ayon pa sa dalaga, marami silang natutunan at rebelasyon tungkol sa same-sex relationships habang ginagawa nila ang pelikula at natanong siya kung willing ba siyang pumasok sa isang seryosong same-sex relationship kung wala silang mga male partners.

“You can never tell, ‘di ba? You dont really know what happens ang hirap magsalita ng tapos. What matters is the kind of love. Is it the kind of love that makes you feel good, fulfilled and safe and I guess yun talaga yung magiging basehan mo if you go into a relationship,” saad ni Janine.

Samantala, kilig na kilig naman ang dalawang aktres nang mapag-usapan ang naging experience nila while shooting for their first project together bilang mga Kapamilya.

Kuwento naman ni Janine, noong mag-celebrate si Lovi ng kanyang birthday sa kanilang lock-in taping may binili raw siyang regalo para sa kanyang “leading lady”.

Isa raw itong merchandise mula sa favorite TV show ng dalaga. Pero chika ni Janine, parang nahihiya siyang ibigay ito kay Lovi nu’ng mismong araw ng kaarawan nito.

“Nag-birthday siya nu’ng lock-in, I ordered her a gift na Friends merch because I know love niya yung Friends. Pero parang natotorpe ako na I don’t know how to give it to her like, ‘Shocks, I’m shy!’” sabi ni Janine.

Tuwang-tuwa naman si Lovi nang matanggap at makita ang birthday gift ni Janine sa kanya. Aniya, pumasa naman daw si Janine sa pagpapakilig sa kanya.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial