Ivana Alawi, namigay ng ayuda

Umaabot sa P1.2 milyon pala ang naipamigay ng aktres na si Ivana Alawi sa mga tagasuporta niya matapos pumalo sa 15 million ang subscribers niya sa YouTube noong nakaraang Pebrero.

“Mamimigay ulit tayo ng blessings at i-she-share natin ang pagmamahal. Matagal ko na itong plinano at hinintay ko talaga na makalipat ako sa bagong bahay,” sabi ni Ivana.

“It’s a good start sa aking paglipat na mag-share ng love kasi mas magaan sa bahay kapag lagi kang namimigay. Ise-celebrate natin ang pag-hit natin ng 15 million subscribers,” dagdag niya.

Ayon kay Ivana, talagang sumasaya siya kapag nakapagbabahagi siya ng mga natatanggap niyang blessings.

“Sobrang thank you sa inyo for watching and supporting us and loving us and subscribing to us. Sobrang blessed ako na nandiyan kayo. Super ibabalik namin lahat ng blessings na ibinibigay niyo sa amin,
and also the love and support na ibinibigay niyo sa pamilya ko,” saad ni Ivana.

Isa na ang dalaga sa mga most popular showbiz personalities-turned-YouTube stars gaya nina Alex Gonzaga at Donnalyn Bartolome. Ang kanyang mga vlogs ay tumatalakay sa iba’t ibang storya ng buhay.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial