Cloe Barreto, all-out sa pag-ibig

August 9, 2022

Aminado ang sexy actress na si Cloe Barreto na “baliw” umano siya pagdating sa pag-ibig at talagang kapag nagmahal umano siya ay walang bawal sa kanya at relate din siya sa mga karakter na ginagampanan niya sa kanyang mga pelikula.

Sa mediacon ng pelikulang “The Influencer”, sinabi ng dalaga na wala naman daw problema sa kanya kung puro suspense-thriller at sexy-psychological ang ginagawa niyang pelikula dahil nag-eenjoy naman daw siya.

“Baliw din po talaga ako sa pag-ibig. Pag nagmahal po ako, walang bawal-bawal! Ha-hahahaha! Yun po, medyo malapit din po du’n. Pero hindi naman po ako nagtatali. Ako po yung itinatali, charing! Ha-hahaha!” saad ng dalaga.

Wala ring kiyeme si Cloe kung hubaran ang pag-uusapan dahil puno ng maiinit na eksena ang pelikula, kabilang na ang kanilang pagpo-frontal at walang pakundangang kangkangan.

Mapapanood na ang “The Influencer” simula sa August 12 sa Vivamax, sa direksyon ni Louie Ignacio at sa panulat ni Quinn Carillo. Ka-join din sa movie sina Elizabeth Oropesa, Ruby Ruiz, Soliman Cruz, Karl Aquino at Calvin Reyes.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial