Marami ang nagsasabi na kahanga-hanga ang ugali ng sikat at kontrobersyal na vlogger na si Zeinab Harake dahil totoong-totoo ang personalidad niya at walang kaplastikan kahit sa harap ng mga camera.
Ilang mga netizens rin ang bumibilib sa single mother dahil sa tapang at paninindigan niya na sa kabila ng matitinding pagsubok na pinagdaanan niya ay nananatili pa rin siyang palaban sa buhay at hindi basta-basta sumusuko.
Tanggap na rin niya na hindi pa ito ang tamang panahon para sa pagdating ng kanyang “Mr. Right” na nakatadha na maging “forever” niya in the future.
Sabi ni Zeinab sa isang panayam, mas pagtutuunan muna niya ng pansin ang kanyang anak at ang pagtatrabaho para sa kanilang future. Hindi raw muna niya isasama sa mga top priorities niya ang magkadyowa.
Kung tutuusin, isa na si Zeinab sa pinaka-influential social media personality.
“Magsisimula na ako ng bagong buhay. Kailangan kong itapon yung trauma. Magmamahal lang ako kapag deserve nu’ng tao yung pagmamahal ko. Hindi ko ibibigay lahat, kasi kawawa ako sa dulo. Ayoko maging kagaya ko si Bia (anak niya), yung mabilis magpatawad at madaling mauto,” saad ni Zeinab.
Samantala, isa pang blessing ang dumating kay Zeinab ngayong 2022 — ang pagiging brand ambassador ng bagong produkto ng Beautéderm Corporation.
Sinisimulan ng matagumpay na kumpanya ni Rhea Anicoche-Tan ang month-long 13th anniversary celebration nito sa opisyal na launch ni Zeinab Harake bilang oral care brand ambassador sa pamamagitan ng Koreisu Family Toothpaste at Etré Clair.
Bilang isang batang artista, mahalaga para kay Zeinab ang dental at oral health na madalas niyang banggitin sa kanyang vlogs kaya naman swak na swak sa kanya ang bagong “baby” ni Rhea Tan.
“Malaking karangalan para sa akin na maging bahagi ng pamilya ng Beautéderm. Ramdam ko ang pagmamahal nila nung sinalubong nila ako,” sabi ni Zeinab. “Grateful ako sa tiwala nila sa akin na i-represent ang Koreisu dahil ibang -iba ito sa lahat ng mga toothpaste na ginagamit ko dati.”
Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/
Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial