Maymay Entrata, cover girl

August 7, 2022

Panibagong blessing ang natanggap ng aktres na si Maymay Entrata nang siya ang gawing cover girl ng digital magazine ng Star Magic na “Slay.”

Sa isang teaser, makikita si Maymay sa isang helipad at ang background music niya ay ang pop hit na “Amakabogera”.

“Ganda niya ay irarampa, di magpapatinag sa sasabihin ng iba, umaapaw ang karisma, ang tunay niyang ganda, sa lahat naiiba,” sabi ng description ng teaser.

Ang Slay ay isang “digital video magazine celebrating the beauty and power of women” at “a platform where women get to splay being a cover girl and uncover themselves as they share their ow stories of inspiration.”

Ang unang issue ng Slay ay inilabas noong Mayo at ang aktres na si Alexa Ilacad ang unang cover girl nito.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial