LJ Reyes, may mensahe sa anak

August 7, 2022

May mensahe ang aktres na si LJ Reyes sa kanyang anak na nagdiwang ng kaarawan nito noong July 25 at sa kanyang Instagram, ibinahagi niya ang mensahe para sa panganay niyang anak na si Aki.

“I know that at this age, I will never sound cool to you. Ever! but I don’t care, I would still try to be cool to you (and your friends)! what actually is so cool though is that you have been in my life this long and we have been through so much and you still are the reason (and Summer) that makes mommy keep going and going,” sabi ni LJ.

Dagdag niya, napakaraming bagsy raw ang itinuro sa kanya ng pagiging magulang lalo na si Aki dahil dito niya naranasan ang pagiging first time mom.

“You have taught me a lot of things I know as a parent. I know you’re a tough young man now but they say you would always need your mom right?” saad ng aktres at handa raw siyang ibigay ang laht para sa kasiyahan ng kanyang anak at para masiguro na nasa maayos itong kalagayan.

“So please know that I would give my all and more just to see you happy and well baby! Not just on your bday but every single day! I would never ever let a day pass without kissing you or hugging you! Kahit binata ka na!!!” sabi pa ni LJ.

“I thank God for you everyday! He knows how much I love you baby! I hope you do too! Happiest and most blessed birthday Aki my love!”

Hanggang ngayon ay nananatili sa New York si LJ kasama ang dalawang anak na sina Aki at Summer.

Matatandaang nagdesisyon ang aktres na lumipad papuntang Amerika kung saan naninirahan ang kanyang pamilya matapos ang kontrobersyal na paghihiwalay nila ng dating karelasyon na si Paolo Contis.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial