Cherie Gil, pumanaw na

Ginulantang ang mundo ng showbiz nitong nakaraang araw matapos mabalitang pumanaw na ang batikang aktres na si Cherie Gil sa edad na 59 anyos.

Sa ngayon ay wala pa umanong detalyeng ibinibigay ang pamilya ni Cherie.

Kung matatandaan, marami ang nagulat nang nagging cover ng Mega Magazine ang aktres na walang buhok noong nakaraang Pebrero.

“Out with the old, in with the new, but this time, with even greater purpose. One of the most celebrated actresses in Philippine cinema, Cherie Gil shakes off her iconic villainess persona to start a new chapter of hope and positivity,” saad sa caption ng magazine sa Instagram account.

Nag-post din si Cherie ng naturang larawan sa kaniyang Instagram.

Sa caption, sinabi ng aktres na nasa New York City siya nang panahong iyon.

“I didn’t think this would actually happen!! Being in NYC at the moment when I was asked to grace yet another Mega magazine cover. This time for their 30th anniversary edition,” sabi ni Cherie.

Inihayag niya dito ang kaniyang lungkot sa nangyari sa kaniyang career noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic.

Ibinenta umano niya ang lahat at lumipad sa New York. Sa kaniyang pagsisimula sa NY, sinabi ni Cherie na iniwan niya ang lahat pati na ang mga lumang damit “that symbolized a past life,” pati na rin ang kaniyang buhok.

“What’s hair diba? It grows back. It’s symbolic to my personal growth. When a woman is in distress, she cuts her hair,” dagdag niya.

Si Cherie ay anak ng mga sikat din na artista noon na sina Rosemarie Gil at Eddie Mesa. Kapatid niya sina Mark Gil at Michael De Mesa.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
Threads: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial