Sandara Park, may bonding moment

2 days ago

Nagkaroon pala ng bonding moment ang K-Pop superstar na si Sandara Park sa “Squid Game” star na si Jung Ho Yeon, na isa ring certified Blackjack o fan ng 2NE1 kung saan kabilang ang dalaga.

Ipinakita ni Sandara sa kanyang IG ang ilan sa kaniyang Seoul photo dump, kung saan kasama niya si Ho Yeon.

Sa Twitter naman, may isang netizen ang nagsabing certified Blackjack si Ho Yeon, na labis namang ikinatuwa ni Sandara.

Sinabi naman ni Sandara na fan siya ng hit Korean series.

Sa kanilang bonding, kinanta pa umano ni Ho Yeon ang isang linya mula sa 2NE1 hit track na “Fire.”

Matagal na ngang gusto ni Sandara na muling makapagbakasyon sa bansa. Katulad noong pre-pandemic na ilang beses sa isang taon siya nagpupunta ng Pinas.

Nitong nakaraan rin, sumama din si Sandara sa kaibigang si BamBam, ang Thai rapper na naka-base sa South Korea at miyembro ng boy band na Got7. Supposedly, backstage lang siya, pero bigla siyang pinag-perform sa concert nito.

Kaya sey nito, “Grabe!! What a totally unexpected day today! Came here to support my dear brother, @bambam1a and I ended up performing on stage. Nag-enjoy ba kayo? Sana nag-enjoy kayo!”


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial