Kathryn Bernardo, certified pet lover

By TDT

2 days ago

Talagang hindi matatawaran ang pagmamahal ng aktres na si Kathryn Bernardo sa mga pets at kamakailan lang, binigyan niya ng nakaka-touch na pa-tribute ang isa sa kanyang pinakamamahal na pet dogs — ang Golden Retriever na si Cloud.

Kuwento ni Kath, dumating sa buhay niya si Cloud noong 17 years old pa lamang siya at mula noon talagang naging bahagi na ito ng kanilang pamilya at kasama sa hirap at sa ginhawa.

Sa isang Instagram post ng girlfriend ni Daniel Padilla, ibinahagi niya ang ilang litrato kasama si Cloud kabilang na ang mga throwback photos nila ng aso.

Aniya sa caption, “Back in 2013, I wished for a Golden Retriever pup. He sent me an angel named Cloud.’ Fast forward to 2022, here he is, an 8-year-old gentle giant. He’s the most patient, most gentle, most loving, and kindest kuya to his 7 four-legged siblings,” sabi ni Kathryn.

“Now, he has two-legged cousins to protect and watch over,” sey pa ng dalaga na ang tinutukoy ay ang mga pamangkin niyang sina Lhexine at Qyona. I can’t wait to make more memories with you, Clouder! Thank you for being the best ‘kuya’ that you are. Love, Mom,” dagdag niya.

Isa ang aktres sa mga celebrities na nag-aalaga ng maraming aso. Bukod kay Cloud, nandiyan din si Tala, isang Samoyed; at si Snow na isang Bichon Frise na iniregalo sa kanya ni Daniel.

Ginawan rin ni Kathryn ng sariling Instagram account ang kanyang mga alagang hayop kung saan niya ibinabahagi ang mga kaganapan sa buhay ng pito niyang pet dogs.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial