Bianca Umali, confident

August 6, 2022

Exuding confidence ang datingan ng aktres na si Bianca Umali nang rumampa suot ang kaniyang white ball gown sa katatapos lang na GMA Thanksgiving Gala at ayon sa dalaga, na-overwhelmed siya sa mga natanggap niyang papuri sa kaniyang look sa ginanap na event noong weekend.

“It was a night na nasabi ko that I really felt beautiful and that I was confident. Ang sarap ng lakad ko kasi I knew how I looked like. And I enjoyed channeling ‘yung old Hollywood side,” saad ni Bianca.

Ang puting gown na suot ng dalaga ay dinisenyo ni Val Taguba, samantalang sagot ni John Paul Dizon ang styling nito.

Samantala, natupad ang pangarap ni Bianca na gampanan ang role ng isang konduktor sa ika-20 anniversary episode ng Wish Ko Lang sa darating na Sabado.

“Every time na nagko-commute ako papunta sa GMA noon, nagba-bus kami ng lola ko, and aliw na aliw ako sa mga konduktor. Kasi ang bilis nila sa ticket, sa pera,” sabi ni Bianca.

“So noong nalaman ko na konduktor ‘yung gagawin ko, ang saya kasi pinangarap ko siya somehow na ma-experience,” dagdag niya.

Pinagkakaabalahan ngayon ni Bianca ang physical training para sa isang proyekto na dapat kaabangan ng kaniyang fans.

Bukod sa papremyo ng Wish Kong Tiktoker, ipamimigay na rin ng Wish Ko Lang ang pinakamalaking Wish Ko Lang Savings na P100,000 para sa bawat kuwentong itatampok nito, para sa month-long anniversary celebration ng programa.

Mayroon ding itatampok na original theme song sa bawat special episode na kakantahin nina Ysabel Ortega, Anthony Rosaldo, Jessica Villarubin at Hannah Precillas.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial