AJ Raval, nag-deny uli

7 days ago

Dahil sa hindi matapos-tapos ang isyu tungkol sa umano’y pagbubuntis niya, muling dinenay ng aktres na si AJ Raval na jontis nga siya sa panganay nilang anak ng rumored boyfriend na si Aljur Abrenica.

Kasabay ng denial ng dalaga ay buong tapang na nag-live siya sa kanyang Instagram account at ipinakita ang kanyang sexy figure at para na rin mamatay na ang isyu na nagdadalangtao siya.

“Shoutout sa inyong lahat. Huwag na kayong magpaniwala sa mga tsismis. Tsaka kahit anong gawing eksplanasyon, ‘yung mga galit lang naman maniniwala doon,” saad ni AJ sa kanyang live video.

Marahil ay nagdesisyon na rin ang dalaga na ipakita ang kanyang katawan para linawin ang kumalat na isyung mayroon na raw siyang baby bump.

Nagsimula ang isyu ukol sa kanyang pagbubuntis nang ibalita ito ng kolumnistang si Cristy Fermin sa kanyang online show.

Ayon sa kolumnista, dinadala na raw ni AJ sa kanyang sinapupunan ang magiging panganay na anak nila ng aktor at rumored boyfriend niyang si Aljur Abrenica.

Pinabulaanan na rin ito noon ng dalaga nang magbigay siya ng mensahe sa “Frontline Pilipinas” pati na rin kay Senyora sa Facebook.

Hindi raw siya buntis bagkus nag-positibo siya sa COVID-19.

Matapos nito ay nag-post na rin si AJ sa kanyang Instagram ng mga larawan na nakasuot ng bikini habang nagtatampisaw sa dalampasigan ngunit hindi pa rin naniniwala ang mga Marites dito at sinabing throwback ang mga pictures nito.

Kaya siguro napilitan na rin siyang mag-live sa social media para tuluyan nang mamatay ang isyu at para na rin sa katahimikan ng lahat.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial