Shaina Magdayao, mami-miss ang “FPJ’s Ang Probinsyano”

August 5, 2022

Ngayon nalalapit na ang pagtatapos ng “FPJ’s Ang Probinsyano” na pinagbibidahan ni Coco Martin, marami na ang naglalahad ng kanilang pasasalamat at pagmamahal sa seryeng minahal talaga ng sambayanan.

Nagpahatid ng kanilang pasasalamat ang aktres na si Shaina Magdayao na kasama sa cast ng nasabing serye.

“To be part of the history sobrang laking honor nu’n. Lahat ng artista nagdarasal at nangangarap na mapabilang at makasama sa isang magandang proyekto na katulad ng ‘FPJ’s Ang Probinsyano,’” saad ni Shaina.

“Yung dalawang linggo na dapat guesting ko naging dalawang taon. Dumating siya sa buhay ko during one of the lowest seasons. It’s been an honor fighting alongside everyone para patuloy na mag-serve sa mga Pilipino,” sabi pa ng dalaga.

Dagdag pa ng aktres, talagang maayos ang naging direksyon ng serye sa pangunguna ni Coco.

“Direktor siya, creative, location manager, talent coordinator, dito ko yata nakita si Co na nag-bloom as a storyteller. I am just really proud of him and happy ako na he is very generous sa God-given talent niya,” sabi ni Shaina kay Coco.

Sa huling dalawang linggo ng “Ang Probinsyano”, asahan pa ang mas maraming pasabog sa kuwento kaya huwag nang bibitiw at alamin kung ano ang magiging ending ng buhay ni Cardo Dalisay.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial