Herlene Budol, may lucky charm

August 5, 2022

Aminado ang komedyana at beauty queen na si Herlene Budol na nagdala siya ng kanyang lucky charm nang rumampa siya sa nakaraang Binibining Pilipinas 2022 pageant noong Linggo.

Sa isang vlog, ipinakita ng dalaga kung anu-ano ang laman ng dala niyang red pouch sa finals night ng naturang national pageant na ginanap sa Araneta Coliseum nitong nagdaang July 31.

Ayon kay Herlene o kilala rin bilang si Hipon Girl, hindi lang pangarap at lakas ng loob ang bitbit niya sa pageant kundi pati ang ilan sa kanyang “pampawerte”.

“Hi, I’m your Binibining Pilipinas 2022 first runner-up,” saad ni Herlene sa simulang bahagi ng kanyang video sabay pakita sa pag-aaring pulang pouch at isa-isa niyang inilabas ang laman nitong rosary, crucifix at maliit na imahen ng Sto. Niño. Ipina-bless pa raw talaga niya ang mga ito kaya naniniwala siyang malakas ang powers nito.

“May basbas ‘yan, kaya dinala ko dahil suwerte ‘yan,” sabi ni Herlene.

Ipinakita rin niya ang isang nakatuping pera at isang piraso ng papel na pinunit daw niya sa litrato ng namayapa niyang lola na si Nanay Bireng.

“Habang lumalaban ako, kasama ko si Nanay, tapos pinag-pray ko, ‘Nanay, kasama mo naman si Lord, sabihin mo sa Kanya ibigay yung crown.’ Kaya binigyan tayong crown!” sabi ng dalaga.

In fairness, marami ang nagsasabi na deserving si Herlene na makakuha ng major title at korona sa Binibining Pilipinas 2022 dahil sa ipinakita niyang performance.

Bukod sa pagiging 1st runner-up, tinagurian din siyang Hakot Queen matapos makapag-uwi ng napakaraming special awards.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial