Carla Abellana, moving on na

August 5, 2022

Matapos masangkot sa kontrobersya at hiwalayan, mukhang nasa moving on stage na ang aktres na si Carla Abellana at marami ang nakakita sa kanya noong dumalo siya sa GMA Thanksgiving Gala last Saturday.

Ayon sa mga netizens, talagang blooming ang aktres kahit pa solo siyang rumampa sa gala at talagang mukhang ready to fight na uli ni Carla kahit na nga naghiwalay na sila ng isa pang Kapuso star na si Tom Rodriguez as a married couple at matapos masuong sa mga kontrobersyang dulot nito.

Agaw-eksena ang suot niyang shining, shimmering na black and white fitted gown mula sa pamosong fashion designer na si Francis Libiran.

Ayon kay Carla, marami siyang pinagkaabalahan ngayon sa kanyang career at personal na buhay, at kasama na nga riyan ang pagtupad sa matagal na niyang pangarap — ang maipatayo ang kanyang dream house.

Dagdag pa niya, naka-focus ngayon ang kanyang panahon at atensyon, una sa kanyang pamilya at pangalawa sa kanyang trabaho at pangatlo sa pagpapatayo ng kanyang sariling bahay.

“I am building my house, my dream house, what else, spending more time with my family medyo doon ako hindi lang preoccupied pero talagang doon ako busy ngayon,” sabi ng aktres.

Sa mga fans naman na nagtatanong, kasama si Carla sa upcoming GMA live adaptation ng Japanese anime series na “Voltes V: Legacy” kung saan gaganap siya bilang si Mary Ann Armstrong.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial