Rhian Ramos, inilantad ang BF

August 4, 2022

Sa wakas ay out in the open na ang relasyon ng aktres na si Rhian Ramos sa rich businessman na si Sam Verzosa matapos umamin ng dalaga na sila na nga at wala nang iba.

Sa naganap na GMA Thanksgiving Gala Night sa Shangri-La Hotel sa BGC, Taguig City last Saturday, July 30, magkasamang rumampa sa red carpet ang dalawa with matching holding hands pa.

Sa kani-kanilang Instagram accounts last Monday, Aug. 1, nag-post ang celebrity couple ng mga sweet photos nila together na kuha nga sa nakaraang event ng GMA 7.

In fairness, maganda naman ang pagtanggap ng mga netizens sa relasyon ng dalawa at marami ang nagsabi na sana’y natagpuan na nga ni Rhian ang kanyang “Mr. Right”.

Ayon kay Rhian, medyo matagal-tagal na rin silang magdyowa ni Sam pero ngayon lang sila lumantad sa publiko.

Ang huling nakarelasyon ni Rhian ay ang Israeli na si Amit Borsok. Nag-break sila noong September, 2020.

“It was so hard, I really had a hard time, guys. And not just ’cause I was, like, broken-hearted and, like, shattered, but other things in my life were giving me a lot of stress. My body basically started eating itself. Now, looking back, I really could have taken care of myself. I was in so much pain and under so much stress and I wasn’t getting out of my bed. I wasn’t sleeping right,” kuwento ni Rhian.

“I couldn’t eat. Nothing tasted like anything. I was under so much stress that my body basically started eating itself. And now, everyone thinks that I did this to myself on purpose. But I really didn’t. I was just having a really hard time. It’s just important that I process these things for myself now, so that I won’t take them with me in the future,” dagdag pa niya.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial