Kylie Verzosa, bibida sa bagong flick

5 days ago

May bagong pelikulang pagbibidahan ngayon ang aktres at beauty queen na si Kylie Verzosa kung saan makakasama niyang muli ang aktor na si Marco Gumabao sa sexy- romantic film ng Viva Films na “Baby Boy, Baby Girl” sa direksyon ni Jason Paul Laxamana.

Ito na ang ikalimang proyekto nina Kylie at Marco kaya naman siguradong gamay na gamay na nila ang isa’t isa, lalo na ang paggawa ng mga intimate scenes. Magsisimula na silang mag-lock-in taping next week.

Ang “Baby Boy, Baby Girl” ay tungkol sa nauuso at pinag-uusapan na ngayong ngayong raket sa online ng mga tinatawag na “sugar babies.” Sila ang mga upgraded version ng mga taong pumapatol sa mga DOM at mga matrona.

Samantala, sinabi naman ni Kylie na deserving din ang Kapuso comedienne at aspiring beauty queen na si Herlene Budol na makakuha ng major title sa Binibining Pilipinas 2022 pageant.

Bumilib din si Miss International 2016-turned-actress sa naging performance ni Herlene o Hipon Girl sa katatapos lamang na pageant lalo na sa pagsagot nito ng Tagalog sa question and answer round.

Ayon kay Kylie, carry umano ng komedyana na makasungkit ng korona at titulo kaya sana raw ay mag-join uli ito sa nasabing pageant sa susunod na taon.

“Deserved niya lahat ng ingay na nakukuha niya. Happy ako para sa kaniya. At saka ang ganda ng sagot niya at parang nasubaybayan ko yong journey niya sa pageant,” saad ng dalaga.

“Ang ganda ng transformation niya. At happy ako na first runner-up siya Ako personally sana nanalo siya ng crown,” dagdag pa niya.

Nabanggit ni Herlene na ayaw na niyang sumali uli sa mga pageants pagkatapos maging 1st runner-up sa Bb. Pilipinas pero sabi ni Kylie, “Parang isa pang try, kaya pa niya.”

Gustung-gusto rin ni Kylie ang pagsagot ni Herlene sa Q&A segment ng pageant gamit ang wikang Filipino tungkol sa naging transformation nito bilang beauty queen.

“Sobrang okay ako dun eh. Alam mo ‘yon parang celebration of Pinoy language. You have to speak in your own tongue kung saan ka ba talaga komportable.

“At tama lang na Tagalog ang ginamit niyang language. Sobrang nakaka-touch, sobrang from the heart yong sagot niya. Sobrang nakakakilabot, for me isa pang try,” sabi pa ni Kylie.

Pero ipinagdiinan naman ni Kylie sa amin na aprub din sa kanya ang mga winners sa Binibining Pilipinas this year.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial