Ria Atayde, masaya para sa kapatid

August 3, 2022

 

Matapos ngang mabalita na engaged na ang aktor na si Arjo Atayde sa TV host-actress na si Maine Mendoza, bumuhos ang pagbati sa dalawa sa kanilang masayang okasyon.

Kasama na rin sa mga bumati ang kapatid ni Arjo na si Ria Atayde.

Sa kanyang Instagram, ibinahagi ng dalaga ang mensahe niya para sa kanyang kapatid at siyempre para kay Maine.

“You’ve always been Mister Grand Gestures @arjoatayde. But I think among all you’ve done, this has got to be my most favorite. And I think among all the many changes we welcomed in our lives this year, this has got to be the best,” saad ni Ria sa kanyang caption.

“So excited to officially welcome you into the family @mainedcm. Stay happy and in love! Congratulations to the two of you,” dagdag niya.

Sumagot naman si Arjo sa kanyang kapatid.

“Love you so much wiwi. Thanks for always helping me out with everything,” sabi ni Arjo.

Nitong Biyernes lang inanunsyo ni Arjo at Maine ang kanilang engagement.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial