Janella Salvador, ready na

August 3, 2022

Ngayong malapit nang lumipad sa ere ang pinakabagong version ng obra ni Mars Ravelo na Darna sa telebisyon, ready na rin sa aktingan ang magiging kontrabida sa serye na si Janella Salvador.

Sa isang teaser na inilabas ng JRB Creative Production, ipinasilip ang magiging karakter ni Janella Salvador sa teleseryeng “Darna” sa darating na Agosto 15.

Nagsimula ang video sa animo’y pagbabanta ni Regina (Salvador) kay Narda (Jane de Leon) tungkol sa pangtatraydor.

“Ayaw kong tinatraydor ako, kaya ikaw Narda. Don’t you ever betray me,” matapang na sambit nito.

Isang vlogger si Regina na walang kinatatakutan kahit ang alkalde ng kanilang lugar. Isa rin itong mahusay na abogado. Ngunit sa likod ng kaniyang katauhan ay may itinatago itong sikreto.

Sa nasabing teaser clip, makikita na tila may gumugulo sa isipan ni Regina kasunod ng paglabas ng mga ahas: “Call me Valentina.”

Nauna nang naglabas nang pahapyaw ang palabas para sa magiging ahas na buhok ni Valentina.

Mapapansin ito sa isang anino ng babaeng naglalakad habang gumagalaw ang mga ahas na buhok.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial