Catriona Gray, ipinagtanggol ang Binibining Pilipinas

August 3, 2022

Usap-usapan ngayon sa social media kung may nangyari nga bang aberya sa paglalahad ng mga winners sa grand coronation night ng Binibining Pilipinas 2022 dahil sa nangyaring delay sa pag-announce ng mga hosts ng national pageant sa nanalong Bb. Pilipinas International.

Marami sa mga manonood ang nagtaka at nagtanong kung ano ang nangyayari kung saan biglang nag-dead air ang announcement ng huling winner pagkatapos ihayag ang nanalong Bb. Pilipinas-Intercontinental, Bb. Pilipinas-Globe, at Bb. Pilipinas-Grand International kaya ang ending, kung anu-anong espekulasyon ang naglabasan.

May mga lumabas pang mga litrato at video kung saan makikita sa mukha ng mga pageant host na sina Miss Universe 2018 Catriona Gray at Miss Grand International 2016 Nicole Cordoves, na parang may nangyayari ngang aberya.

Pero ayon kay Catriona, wala umanong nangyaring kababalaghan sa pag-anunsyo ng mga nanalo sa beucon.

“As the hosts of last night’s Binibining Pilipinas 2022, @binibiningnicolecordoves and I announced the winners accordingly based on the titles printed on the individual title cards as these were handed over by SGV & Co. partner and representative, Mr. Ocho. As a member of the overseeing committee during the deliberations (as pictured on slide 4 by BPCI Execom member @laraquigaman), Mr. Ocho later rechecked the cards and confirmed that the results previously announced were correct, which became the decisive factor in moving forward with the announcement,” saad ni Catriona sa kanyang social media post.

“As former candidates ourselves, we understand what the girls go through and would, therefore—without a second thought—correct any errors, if any were made. But as already explained, SGV & Co. partner and representative Mr. Ocho himself confirmed the validity of the results,” dagdag ng dalaga.

Samantala, naglabas na rin ng pahayag ang talent management na Cornerstone Entertainment hinggil dito.

“The winners announced by the hosts were accordingly based on the titles printed on the cards, which were handed over by SGV & Co. partner and representative, Mr. Ocho.

“Mr. Ocho even rechecked the cards and confirmed that the results announced by the hosts were accurate.

“We hope that this will put to rest any controversy concerning last night’s results,” sabi pa ng Cornerstone.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial