Barbie Imperial, hindi nagparetoke

August 3, 2022

Iginiit ng aktres na si Barbie Imperial na “all-natural” ang lahat ng parte ng katawan niya at ni minsan ay hindi niya naisip na magparetoke mapa-boobs man o kahit ilong lang.

Sa kanyang pinakabagong vlog, natanong ang aktres kung retokada nga ba siya, at hindi naman niya pinalampas ang tanong.

“Okay first of all, I have nothing against du’n sa mga nagpapa-enhance ng ng mga katawan nila. Kasi siyempre, gusto nilang maging mas confident, eh. Wala namang masama du’n and hindi ninyo naman pera so ‘wag ninyo pakialaman ‘yung mga buhay ng gustong magpa-enhance,” saad ni Barbie.

Kasabay niyon, itinanggi ni Barbie na nagparetoke siya ng ilong.

“But for me, ‘yung ilong ko, hindi po ako nagpaayos ng ilong, totoo po ‘yan. Yung boobs ko naman, hindi ko rin pinaayos ‘to. Kasi kung pinaayos ko ‘to, sana pinapantay ko. Kasi ‘yung mga comments about me, hindi daw pantay ‘yung boobs ko, ganito, ganyan,” sabi ng dalaga.

“Perfect mo, grabe! Patingin nu’ng boobs mo. Minsan nakakaano pa kasi minsan ‘yung mga lalaki pa mismo yung nagko-comment na hindi raw pantay ‘yung boobs ko,” sabi pa ni Barbie.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial