Rufa Mae, natrauma sa lindol

6 days ago

Aminado ang aktres na si Rufa Mae Quinto na talagang natakot siya sa nangyaring magnitude 7 na lindol recently at sa kanyang social media page, ipinakita niya ang kanyang bonggang chandelier na nag-swing dahil sa lindol.

“My chandelier, nag swing sila ng bonggang bonggga, na buhol na sila dahil sa earthquake. I pray so hard kanina habang lumilindol. Nasa mataas na building kami Kaya feel na feel ko ang mala horror experience sa loob ng condo namin parang inuga ang Lahat, pinto parang mabubuwal and more,” saad ni Rufa Mae sa kanyang caption.

“Shock pa din ako na Napaiyak. Iba pa ang kwento ng elevator at fire exit,” dagdag pa niya.

“Gusto ko Lang Kamustahin ang Lahat and kung May Kailangan ng help help hooray, Andito Lang po ako at ang @sendwaveapp! Go go go with Love,” sabi pa ng aktres.

Marami ang natuwa na safe and sound si Rufa Mae.

“Sorry po pero naririnig ko boses niyo habang binabasa ko post niyo. The way kayo magsalita Ganon po pano ko basahin. bakit Ganon? Keeps afe always po. Don po sa province namin sa Abra grabe po ang earthquake don 7 magnitude.”

“Good to know you’re safe, Peachy. Same sa condo kanina. Nakalma ako sa help help hooray!” “Good to know ate @rufamaequinto youre safe ate..god is always with you ate.. Isipin mo nlng lakas makashala ng chandelier mo..ingat always ate.”

“BE READY ALWAYS PEACHY WAG MATARANTA PARA ALAM MO GAGAWIN MO BE SAFE LALOT CONDO KAU GOD BLESS.”

Matatandaang niyanig ng magnitude 7 na lindol ang Lagangilang sa Abra noong July 27 na naramdaman din sa Metro Manila at iba pang bahagi ng Luzon.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial