Liza Soberano, nawawalan na ng kinang?

August 2, 2022

Usap-usapan ngayon sa social media na parang nawawala na umano ang kasikatan ng aktres na si Liza Soberano magmula umano noong lumipat ito sa management company ng aktor na si James Reid dahil sa pangarap na makapasok sa Hollywood ay lumamlam ang karera ng dalaga.

Kasi naman, hanggang ngayon ay wala pa rin umanong proyekto ag dalaga kaya nawalan na ng ingay ang pangalan ni Liza kumpara umano sa mga nakasabayan niyang sina Julia Barretto, Jane Oineza, Janella Salvador at iba pa noong ini-launch siya bilang isa sa New Faces of Star Magic 12 noong 2013.

Ayon sa beteranang showbiz columnist at host na si Cristy Fermin, mukhang wala na umano sa sirkulasyon si Liza.

“Ako mahal ko si Liza Soberano kasi mahal ko ang manager niya na si Ogie Diaz. Sino man ang mahal ni Ogie Diaz may extension sa puso ko ng pagmamahal. Ramdam ko ngayon kasi nagsusulat ako alam ko galaw ng mga diyaryo, ng TV, radyo nawala si Liza Soberano! Napapabalita lang siya nu’ng una nu’ng umalis siya sa kandili ni Ogie Diaz dahil suntok sa buwan ‘yung gagawin niyang pagpasok sa Hollywood.

Suntok sa buwan ‘yung gagawin nila ni James Reid sa pagpasok ng Hollywood. Napakasusuwerte ng mga nakaentra ng Hollywood sana makasama siya ro’n, pero sa tingin ko parang matatagalan,” sabi ni Cristy.

Marami nga raw nagtangkang pasukin ang Hollywood na nabigo at bumalik na lang ng Pilipinas.

But in fairness naman to Liza ay nag-viral kamakailan ang TikTok at Instagram collab nila ng ilang K-Pop idols, idagdag pa ang TV guesting niya sa Korea.

“Sana pahalagahan niya ‘yung karera na binuo niya rito nilang dalawa ni Ogie Diaz sa Pilipinas na talagang Liza Soberano siya. Nalampasan pa nga nila ‘yung ibang love team, eh. Pero ngayon ramdam ko na umaandap-andap ‘yung kandila,” sabi pa ng beteranang kolumnista.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial