Catriona Gray, trending na naman

By TDT

August 2, 2022

Nagtrending si Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang hosting sa Binibining Pilipinas 2022 nitong Linggo ng gabi dahil talaga namang stunning at agaw-eksena ang kanyang kagandahan.

Dazzling kung maituturing Pinay beauty queen nang pumagitna na sa stage ng Binibining Pilipinas grand coronation night na ginanap sa Araneta Coliseum dahil sa laki ng suot na hikaw na inihalintulad pa ng mga netizens sa chandelier.

Ayon sa mga netizens, tinalbugan pa raw ng bonggang hikaw ni Catriona ang opening number ng sikat na sikat na P-pop group na SB19 kasama ang 40 candidates.

Kaya naman, maging ang ilang mga celebrities ay nagreact sa social media.

“Sana naghikaw si Catriona. Ang plain, e! #BinibiningPilipinas,” ang birong comment ng TV host-comedian na si Vice Ganda sa kanyang Twitter account.

May mga hirit rin ang iba pang mga netizens sa laki ng hikaw ni Catriona.

“Wala pa bang ilalaki yan mars? Pachandelier ng ferson @catrionaelisa.”

“Ako yung nabibigatan sa earrings ni carriona ????????”

“On a scale of 1 to catriona’s earrings, gaano kabigat ang dinadala mo sa buhay?”

“Grabeng earrings yan madam @catrionaelisa pwedeng isabit sa kisame.”

“Mare wag ka masyado malikot hahaha kinakabahan ako baka mapigtas tenga mo Catriona.”

“Yung hikaw ni Catriona tinalo chandelier ng mayaman naming kapitbahay.”

“Taray ng earrings ni cat hahaha!”

“Wala na meme @vicegandako kabogera talaga si @catrionaelisa parang ikaw.”

“Kaya late ng start meme! Dahil sinuot pa ung hikaw hahaah. Triggered ang madlang people na may pasok pa


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial