Beauty Gonzales, hindi nagpakabog sa gala

August 2, 2022

Maningning ang aktres na si Beauty Gonzales nang dumalo siya sa GMA Thanksgiving Gala nitong nagdaang Sabado ng gabi sa Shangri-La The Fort sa BGC, Taguig at lalo pa siyang kuminang sa kanyang suot na jewelrey piece.

Eh kasi naman, aabot umano sa mahigit P10 million ang “heirloom pieces” na suot-suot ng “The Fake Life” lead actress na nagmula sa Riqueza Fine Jewellery na talagang maaasahan at mapagkakatiwalaan pagdating sa vintage jewelry.

Sabi sa mga balita, ang isinuot ni Beauty sa GMA Thanksgiving Gala ay ang “1930’s Art Deco necklace, earrings, and a ring with Colombian Emeralds and diamonds set in platinum” na nagkakahalaga ng mahigit P15 million.

Kaya naman talagang scene stealer ang pagrampa ni Beauty sa Gala dahil bukod nga sa milyun-milyong halaga ng alahas, dyosang-dyosa rin siya sa suot na sleek black and white Mark Bumgarner dress, na may bonggang pleated details sa bandang tummy.

Sabi ng stylist ni Beauty na si Charmaine Palermo, alam na raw talaga ng aktres ang gusto niyang maging look sa event kaya hindi na siya masyadong nahirapan.

“I had a wonderful time putting together this look for Beauty Gonzales for the #GMAGalaNight. She knew exactly what she wanted for this ball. She asked me to style her a month ago and said ‘Charm, I want a simple, classic, elegant look with a statement jewelry. I want to dress my age, and to have fun at the ball.’ Our inspiration was the Old Hollywood Elegance of Elizabeth Taylor and Grace Kelly. And the style and grace of Princess Diana. We then went to Mark Bumgarner to have a custom dress designed, went through several ideas with him discussing how we want the dress to compliment the neckpiece,” pahayag ng stylist.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial