Utol ni AJ Raval, may banta

July 31, 2022

Nagbanta kamakailan ang kapatid ni AJ Raval na si Vanessa sa aktor na si Aljur Abrenica kung sakaling mabuntis nito ang kapatid niya at hindi ito panindigan.

Ayon sa dalaga, ang pagkakaalam niya ay walang katotohanan ang kumakalat na chikang buntis ang kapatid niya kahit pa halos tatlong buwan na rin daw kasing hindi nakakasama ni Vanessa ang kanyang ate.

Sabi pa ni Vanessa, alam niyang hindi buntis ang ate niya at nararamdaman niya ring fake news lamang ang mga kumakalat na balita dahil hindi naman daw magsisinungaling sa kanya ang kapatid.

Ngunit nang tanungin siya paano ang mangyayari sakaling totoo ang buntis issue ni AJ at itinago lamang sa kanya, inamin niyang maiintindihan niya ito.

“Wala naman kasi yung ate ko maiintindihan ko kapag hindi niya sinabi sa akin kasi madaldal ako,” saad ni AJ.

Dagdag pa niya, siya daw ang unang magte-trending dahil siya ang mag-aanunsyo na buntis ang kanyang ate.

Sa kabila nito ay aminado naman si Vanessa na hindi siya sigurado kung boto ba siya kay Aljur para sa kapatid nito.

Simula raw kasi nang mangyari ang isyu sa pagitan ng aktor at ng kanyang ate ay hindi na sila muling nagsama kaya naman hindi na naging malapit ang loob niya dito.

Pabor naman daw si Vanessa kung sakaling magkaroon nga ng anak sina Aljur at AJ at magsama ito kahit hindi pa annulled ang aktor kay Kylie ngunit may banta siya sa aktor kung sakaling hindi nito gampanan ang responsibilidad sa kanyang kapatid.

“Basta ang gusto kong mangyari basta naanakan niya ang ate ko, panindigan niya. Magpakabuti siyang ama kasi kapag hindi niya napanindigan ‘yun, susugurin ko siya sa bahay niya. Susunugin ko ang bahay niya,” saad ni Vanessa.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial