Sanya Lopez, wala pa ring BF

July 31, 2022

Hanggang ngayon ay single pa rin pala ang aktres na si Sanya Lopez at mukhang talagang pinangangatawanan na niya ang pagiging certified NBSB o “no boyfriend since birth” dahil wala pa umano talaga sa mga priorities niya ang magkadyowa at pumasok sa seryosong relasyon.

“Ngayon, naka-focus po ako sa sarili ko. Naging busy din po talaga ako. May mga nanligaw din naman pero hindi pa siguro talaga ako nagbibigay ng time para sa kanila,” sabi ni Sanya.

Dagdag niya, magiging unfair lang daw sa lalaki kung sasagutin niya ito pero hindi naman niya mabibigyan ng sapat na panahon ang kanilang relationship dahil sa kanyang trabaho.

“Once na magka-boyfriend ako, gusto ko may time na ako para sa kaniya,” katwiran ng aktres na siya ring nasa likod ng viral na kanta ngayong “Hot Maria Clara” mula sa GMA Records.

Inamin rin ng aktres na kung sakali ngang papasok siya sa isang relasyon, mas gusto niyang non-showbiz ang kanyang maging BF.

“Sa panahon ngayon, nakakatakot pumasok sa relasyon na nasa showbiz eh, kaya mas lamang sa akin na non-showbiz siya, pero kung meron na taga-showbiz na manligaw, okay lang din naman,” sabi ni Sanya.

Samantala, hit na hit na rin ngayon ang kanta niyang “Hot Maria Clara” na tungkol sa isang modern Filipina na alam ang kanyang worth sa mundong kanyang ginagalawan.

Ito ay isinulat ng award-winning singer-songwriter, viral video artist, director, and producer na si Njel de Mesa, mula sa GMA Records.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial