Madam Inutz, nagparetoke

July 31, 2022

Sumailalim kamakailan sa rhinoplasty surgery ang dating “Pinoy Big Brother” housemate at komedyante na si Madam Inutz o Daisy Lopez sa totoong buhay upang patangusin ang kanyang ilong at talaga namang tuwang-tuwa siya.

Sa kaniyang na vlog, ibinahagi ni Madam Inutz ang pagsailalim niya sa surgery na libre umanong inalok ng kaniyang ineendorsong aesthetic at wellness center ang pagpaparetoke kaya naman mabilis itong pumayag.

“So why not ‘di ba! Hindi maglalabas si Madam Inutz ng daang daang libo para lang sa ilong ko,” natatawang saad ni Madam Inutz.

“’Wag niyong mamasamain ‘yung mga taong gustong magpaayos ng kanilang mga itsura. Siyempre dagdag confidence din. Hindi naman porke’t nagpagawa ka is hindi ka na kuntento sa kung ano man ang meron ka,” sabi pa niya.

Dagdag pa niya, malaking bagay sa kaniya na isaayos ang itsura lalo pa’t nagsisimula na siyang magtrabaho sa showbiz.

“Siyempre bilang public figure ka na, bilang kilala ka na, nandun na rin ‘yung kailangan mo na ring magpaganda at i-upgrade ‘yung sarili mo, ‘di ba. The more na maganda ka, the more na offer na darating sa ‘yo,” saad ni Madam Inutz.

Inamin din niyang matagal na niyang pangarap na makapagpagawa ng ilong, lalo na noong nagtatrabaho pa siya abroad at gusto umano niyang magmukhang bata ang kaniyang itsura dahil aminado itong tumatanda na rin.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial