Celeste Cortesi, naging cashier

July 31, 2022

Inamin ni Miss Universe Philippines 2022 Celeste Cortesi na nagtrabaho siya bilang isang cashier at talagang nahihiya pa siyang sabihin ito noon sa publiko.

Sa kanyang bagong vlog, binanggit ng dalaga ang tungkol sa bahaging ito ng kanyang buhay ngunit hindi niya nasabi kung ito ba’y nangyari sa Pilipinas o sa Italy kung saan ilang taon din siyang nanirahan.

Marami raw kasing nagtatanong sa kanya kung nakatapos ba siya ng college at ano ang degree niya. Diretsahan naman niyang sinabi na tumigil siya sa noon sa pag-aaral.

“Why would I go to college if I don’t know what I wanna be when I’m an adult?” saad ng dalaga at dagdag niya, kinailangan din niyang maghanap na trabaho para makatulong sa mga gastusin nila ng kanyang ina na isang Filipina.

“So I really had to find a job. So that time, I was doing modelling, and I also worked as a cashier in a shop,” sabi ng Pinay beauty queen.

Comment naman ni Voltaire Tayag, ang director of communications ng Miss Universe Philippines, na nakasama ni Celeste sa vlog, “You were just so open with it, and you were like, ‘That’s where I worked before.’”

Reaksyon ni Celeste, “It was just downstairs, actually, where we lived and it was the shop where I worked as a cashier.”

“You know, actually, there was a time where I was kinda embarrassed. I didn’t really wanna show that side of me to others.”

Pero mula raw nang sumali siya at manalo sa Miss Universe Philippines, sa halip na itago ay ipinagsabi na niya ito nang bonggang-bongga.

“To show people the real me, so they can just relate to me. And it’s really important because you should never deny your past. You should never be shy of what you’ve been through, because it’s what made you, who you are right now. So, I’m proud of it, and I really wanted to show them where I came from,” sabi ni Celeste.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial